Maria Kapra

Malaya kang lumipad

Pagkabuka ng liwayway

Sa katahimikan

Ng mga bagong-gising.

At sa unti-unting

Pag-unat ng buto’t kalamnan,

Madarama ang init ng

Inang Araw,

Tahimik kang aalis

At gigisingin ang kapatid

Sa’yong kakaibang huni.


Purifica at Asunsion

I. Kung sa bagay,

hindi naman natin inakala

Na ganito ang kahahantungan

Ng ating kapalaran

Siguro nga

Hindi natin kasalanan.

II. Bagaman

Dalawa tayong nangungutya

Pinagsisikapan

Na maiahon ang luha

Mula sa ginawang

Balon ng awa.

III. Ganun pa man,

Tiyak bang maisasalba

Ng araw at buwan at bituin

Ang telang may bahid

Ng walang kapurian?

Sino ang nagkakaalamanan?

------------------------

Mabuti na lang at hindi ka pinahintulutan

Ng iyong amo na umalis.

Dahil laking takot ko na lamang na

Ako ay lapain, at gawing pain

Mapasailalim

Sa gitna ng iyong pangil at bangis.

-------------------

End. 032811



Leave a Reply