It's almost christmas.
This year, i have no gift to give
i have nothing.
The last, i had all the gifts to give
Still I
had nothing.
----------
I.
Isang dipa lang ang ating pagitan
Pero hindi mo magawang kumaway
O ngumiti sa ngumingitiMalamig ang gabi para magkasama.
II.
Bitak ang lupa papunta sa inyo
Sinisigaw ko ang iyong pangalan
Pero tila yata bingi, o nagkukunwari Ang kalsada ay para sa iisa ngayong gabi.
III.
At parang nagmamadaling makalimot
Ang minsang abot-kamay
Ay naging namamatay na tala.
Kumusta ka na kaya, harana.
--------
Ilang beses ko nang sinabi na hindi ako magaling magbisikleta.
Nung aking kabataan, gumulong-gulong ako sa kalsada at
Nagkapasa-pasa ang aking katawan. At ipinangako kong
Hindi na ito mangyayari ulit.
Ngunit mapilit ka at nagsabing walang mangyayaring masama
Kaya sa gitna ng pag-aalinlangan ay muling sumubok
Pero aba! Muli na namang gumulong at nasugatan!
Hindi na ito mangyayari ulit.
At kung kaya't sinisisi kita para sa maling aking unang nagawa.
Salamat sa pag-aalala. Walang anuman sa paalala.
Hindi na ito mauulit.
----------
Tumitingala pa ba ang mga tao
Para pagmasdan ang mga ulap
Kung gayong laking balakid
Ang mga gusaling nangagtayo?
Nasaan kayo?
---------------
O mangagyuko ka ba buong araw
Para hanapin ang nawawalang
Bente-singko sentimos o
hayaan na lamang ito sa limot?
Nandito lang ako